Occupational safety health law lalagdaan na ng pangulo
Nakatakdang lagdaan sa susunod na linggo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Occupational Safety Health Law.
Layunin ng nasabing bagong batas na palakasin ang karapatan ng mga manggagawa sa ilalim ng Occupational Safety and Health Campaign Standards.
Sinabi ni Special Assistant to the President Sec. Bong Go na titiyakin ng nasabing batas na mabibigyan ng tamang proteksyon ang mga manggagawang mapapahamak sa pagganap ng kanilan trabaho.
Paliwanag pa ng opisyal, “Ito po ay proteksyon sa mga workers, sa mga workplace po, para i-make sure ng employer na safe po ang lugar ng pinagttrabahuan, at magiging liable po ang employer kung may mangyayari po”.
Sa kanyang pagdalo sa 6th Regional Competitiveness Summit noong Agosto 16, sinabi ni Go na gusto ng pangulo na tiyakin ng mga employers, contractors at mga project owners na sumunod sa mga panuntunan para matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado sa kani-kanilang workplace area.
Mananagot sa ilalim ng mga umiiral na labor laws ang mga employer na hindi makakapagbigay ng tamang ayuda sa kanilang mga manggagawa kapag napahakam sila habang gumaganap sa kanilang mag tungkulin sa kani-kanilang mga kumpanya ayon pa kay Go.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.