NAIA runway mananatiling sarado hanggang mamayang tanghali
Pinalawig pa hanggang alas-12:00 ng tanghali ang pagsasara ng runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa latest advisory ng Manila International Airport Authority (MIAA), sinabi nitong kailangan na palawigin ang runway closure para maisagawa ang “demobilization” ng ginagamit na heavy equipment na siyang hahatak sa sumadsad na Xiamen Air Aircraft.
Habang hinahatak ang eroplano, magsasagawa din ng clearing operation sa runway para masiguro na walang anumang sagabal sa muling pagbubukas nito.
Kaninang alas-6:00 ng umaga naiangat na ang eroplano ng Xiamen Air at unti-unti itong hinatak patungo ng Balagbag ramp.
Muli namang humingi ng paumanhin si MIAA General Manager Ed Monreal sa nangyaring aberya at pinayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline companies o tumawag sa NAIA Flight Information sa mga sumusunod na numero :
Terminal 1 (8771109 loc 765 and 2852)
Terminal 2 (8771109 loc 2882 and 2880)
Terminal 4 (8771109 loc 4226) Terminal 3 (8777888 loc 8144 and 8146)
NAIA Hotline 8771111 at maaari ring bumisita sa MIAA official FB page at Twitter account.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.