Pitong bahay tinupok ng sunog sa Cebu City

By Jimmy Tamayo August 18, 2018 - 10:12 AM

Cebu Daily News

Patuloy na ini-imbestigahan ang pinagmulan ng apoy sa sunog na sumiklab sa pitong pintong apartment sa PC Hill, Barangay Apas, Cebu City kaninang madaling araw.

Unang inireport ang sunog bandang 4:54 ng madaling araw ng Sabado.

Sa inisyal na pagtaya ng Bureau of Fire Protection (BFP-7), nagsimula ang sunog sa Door-7 na inookupa ng isang Charlyn Piedad.

Tupok na tupok ang pitong unit habang “partially burned” ang tatlong kuwatro.

Aabot sa P300,000 ang naabo sa nasabing sunog bago ideklarang fire under control bandang 5:26 ng umaga.

Wala namang naiulat na sasaktan sa insidente at nagpapatuloy ang imbestigasyon sa sunog.

TAGS: BFP, Cebu City, fire, mabilo, BFP, Cebu City, fire, mabilo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.