Makalipas ang ilang buwan, bubuksan na muli sa lahat ng uri ng sasakyan ang Kennon Road na paakyat ng Baguio City.
Simula pa noong August, sarado na sa motorista ang Kennon Road matapos maapektuhan ng southwest monsoon na dulot ng nakaraang bagyong ‘Ineng.’
Sa abiso ng Department of Public Works and Highways Cordillera, simula alat-otso ngayong umaga, October 28, pahihintulutan na ang mga sasakyan na makadaan sa naturang lansangan.
Ayon kay Danilo Dequito, pinuno ng DPWH Cordillera, naisaayos na ang mga debris na humarang sa lansangan kaya’t maari na muli itong madaanan.
Ilang araw matapos isara noong August, bukas lamang sa mga jeep na bumibyahe ang naturang lansangan para sa mga residenteng nakatira sa kahabaan ng Kennon Road.
Gayunman, inaabisuhan pa rin ni Dequito ang mga motorist na maging maingat sa pagbaybay sa Kennon Road, partikular sa mga ‘landslide prone areas’.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.