Runway closure sa NAIA, pinalawig pa hanggang 7AM ng Aug. 18
UPDATE: Mananatiling sarado hanggang alas-siyete ng umaga ngayong Sabado (August 18) ang runway ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA kung saan sumadsad ang eroplano ng Xiamen airlines.
Batay sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, muling pinalawig ang runway closure dahil pahirapan ang pag-alis sa eroplano.
Kabilang sa mga rason ay ang masamang panahon.
Pasado alas-dos y medya ng madaling araw nang mai-angat na ang eroplano sa runway 06/24.
Bago naman mag-alas-kwatro ng madaling araw nang mailagay ang eroplano sa flatbed trailer truck upang maalis na ito sa runway.
Iniimbestigahan na ng CAAP ang insidente, kabilang na ang posibleng pananagutan ng hindi pinangalanang piloto ng eroplano.
Muli namang humingi ng paumanhin ang Manila International Airport Authority dahil sa perwisong naidulot ng insidente.
Inaasahang madadagdagan pa ang mga kanseladong flights, hanggang hindi pa nai-aalis ang naturang Chinese plane.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.