Isang district level high-value target sa Pasig City, arestado ng EPD

By Isa Avendaño-Umali August 18, 2018 - 02:00 AM

 

Photo c/o EPD

Arestado ng Eastern Police District o EPD ang isang district level high-value target at dati nang drug surrenderee.

Kinilala ang suspek na si Efren Sulit, 41-anyos na mekaniko at residente ng 264 M. Suarez Avenue, Barangay Palatiw, Pasig City.

Ayon sa EPD, sumuko si Sulit noong kasagsagan ng Oplan Tokhang ni dating  PNP Chief General at ngayo’y BuCor Chief Ronald “Bato” Dela Rosa.

Pero hindi raw natigil ang masamang bisyo ni Sulit, at nabatid na notoryus siyang tulak ng droga, base sa surveillance ng mga otoridad.

Sa bisa ng search warrant na inilabas ng Pasig City Regional Trial Court branch 152, nagsagawa ng buy-bust operation ang EPD laban kay Sulit, Biyernes ng gabi (August 17).

Kabilang sa mga nasabat kay Sulit ay isang UZI sub machine gun, dalawang calibre 38 revolvers, mga bala at 38 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng mga hinihinalang shabu.

Nakakulong na si Sulit sa Pasig City Central Police Station.

 

TAGS: Eastern Police District, War on drugs, Eastern Police District, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.