Pang. Duterte sa CIA: “Ang balita gusto nila akong patayin”
Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Estados Unidos na siya’y mamatay.
Sa kanyang speech sa Hugpong ng Pagbabago o HNP convention, sinabi ni Duterte na may mga CIA daw sa pagtitipon, at ang balita niya ay gusto siyang patayin, sabay sabing “Go ahead…be my guest.”
Pahayag pa ng presidente, “kaya pag pumutok ang helicopter ko dyan, sila yan.”
Binuweltahan din ni Duterte ang opisyal ng U.S. na si US Assistant Secretary of Defense for Asian and Pacific Security Affairs Randall Schriver kaugnay sa pagbili ng Pilipinas na military equioment gaya ng submarines sa Russia.
Ani Duterte, sino raw ang opisyal na yun para magbabala sa ating bansa.
Hamon nito kay Schriver, bigyan daw siya ng mga rason kung bakit hindi dapat bumili ng mga submarine sa Russia, at isapubliko raw ito.
Giit ni Duterte, ang Pilipinas lamang ang walang submarines, hindi tulad ng Vietnam na mayroong pito; dalawa ang sa Malaysia at walo ang sa Indonesia.
Pero sa bandang huli, nilinaw ni Duterte na hindi naman kaaway ng Pilipinas ang Amerika, at ang nais lamang niya ay protektahan ang mga sundalo at pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.