Pang. Duterte, pinuna ang paggawa ng China ng mga artipisyal na isla

By Isa Avendaño-Umali August 18, 2018 - 12:02 AM

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China na hindi pwede ang basta-bastang paggawa ng artificial islands at aakuin na sa kanila ang pinag-aagawang teritoryo.

Sa kanyang speech sa convention ng Hugpong ng Pagbabago o HNP, pinalagan din ni Duterte ang napaulat na radio warnings at pagtaboy ng Chinese naval forces sa ating military aircraft na lumipad sa South China Sea kamakailan.

Ani Duterte, hindi porke’t kaibigan niya ang China ay uubra na itong gumawa ng mga aksyon laban sa Pilipinas.

Binigyang-diin ng presidente na ang Pilipinas ay claimant din ng mga isla, pero hindi handa ang ating bansa na makipag-giyera.

Pinupuna si Pangulong Duterte sa kanyang relasyon sa China.

Subalit ayon sa presidente, hindi ito nangangahulugan na hindi niya ipaglalaban ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea, sabay pangako na igigiit niya ang UN arbitral ruling sa tamang panahon sa kanyang administrasyon.

 

TAGS: China, Rodrigo Duterte, West Philippine Sea, China, Rodrigo Duterte, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.