133 flights, kanselado dahil sa sumadsad na eroplano ng Xiamen airlines
Pumalo sa 133 domestic at international flights ang kanselado dahil sa sumadsad na eroplano ng Xiamen Airlines sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA runway.
Ayon sa Manila International Airport Authority o MIAA, ang naturang bilang ay naitala as of 8:23 Biyernes ng gabi (August 17).
Karamihan sa kanseladong flights ay sa apat na terminal ng NAIA, habang nasa sampu ang diverted flights sa Clark, Cebu, Bangkok sa Thailand, at Ho Chi Minh City, Vietnam.
Nauna nang sinabi ng MIAA na saradoang NAIA international runway hanggang alas-singko Sabado ng umaga (August 18).
Sa pagsadsad ng Xiamen Air flight MF8667 sa NAIA runway, libu-libong mga pasahero ang apektado.
Pinapayuhan ang mga ito na makipag-ugnayan sa airline companies para sa rebooking o refund.
Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MIAA sa lahat ng mga naabala ng insidente.
Umaasa ang MIAA na maibabalik na ang normal na flight operations sa araw ng Sabado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.