Peter Lim, tinutugis na ng PNP at NBI

 

Tinutugis na ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyanteng si Peter Lim na pinaaaresto na ng korte kaugnay ng umano’y pakikipag-sabwatan nito sa drug suspect na si Kerwin Espinosa.

Ayon kay PNP spokesman Sr. Supt. Benigno Durana Jr., may naghahanap nang tracker teams kay Lim kaya umapela ito sa publiko na ipagbigay-alam sa otoridad kung may impormasyon sila sa kinaroroonan ng suspek.

Magiging malaking tulong aniya sa pag-aresto kay Lim kung tutulong ang mga tao.

Sinabi naman ni NBI spokesperson Deputy Director Ferdinand Lavin na inutos nina Deputy Directors Antonio Pagatpat at Vicente de Guzman ang mobilization ng kanilang agents para hanapin at arestuhin si Lim.

Ang kaso laban kina Lim at Espinosa ay resulta ng bagong ebidensya ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa re-investigation ng Department of Justice (DOJ) matapos umani ng batikos ang unang pagbasura sa kaso laban sa kanila.

 

Read more...