Mactan Cebu International Airport apektado ng sumadsad na eroplano sa NAIA

By Mary Rose Cabrales August 17, 2018 - 07:50 PM

 

Maraming biyahe na papasok ng Cebu at patungong Maynila ang naantala at nakansela dahil sa pagsasara ng international runway sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA bunsod ng pagsadsad ng eroplano ng Xiamen airlines.

Ayon sa GMR-Megawide Cebu Airport Corp. (GMCAC), ang private operator ng Mactan Cebu International Airport (MCIA), aabot sa pitong flights na papasok ng Cebu at patungong Maynila ang naapektuhan.

Kanselado ang mga flight na:

PR 1845 Manila – Cebu
PR 1846 Cebu – Manila

Delayed naman ang flights na:

Z2 781 Manila – Cebu
Z2 791 Manila – Cebu
PR 1843 Manila – Cebu
PR 1847 Manila – Cebu
Z2 764 Cebu – Manila

Dalawang Philippine Airlines (PAL) flights naman na PR 105 mula San Francisco patungong Maynila at PR 117 mula Vancouver patungong Maynila ang diverted sa MCIA.

Sinabi ni Benedict Yap, PAL Station Manager, ang mga pasahero ng dalawang international flights na na-divert ay mananatili sa MCIA terminal habang naghihintay ng rescheduling ng kanilang flights patungong Maynila.

 

TAGS: Mactan Cebu International Airport, NAIA, Mactan Cebu International Airport, NAIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.