Pang. Duterte, hindi magbibitiw sa pwesto – Panelo

By Marilyn Montaño August 17, 2018 - 07:28 PM

 

Walang sakit at hindi umano magbibitiw sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kasunod ng sinabi ng Pangulo na pinag-iisipan na niyang bumaba sa pwesto dahil pagod na siya.

Naideklara rin ni Duterte na bababa siya sa pwesto kapag nanalo si dating Senador Bonbong Marcos sa election protest nito laban kay Vice President Leni Robredo.

Pero ayon kay Panelo, ang pahayag ng Pangulo ay dahil sa pagkadismaya nito sa mga nangyayari sa bansa sa kabila ng kampanya ng gobyerno laban sa droga at kurapsyon.

Ang intensyon aniya ni Duterte ay para iparating sa publiko na dismayado na siya at gusto na niyang mag-resign pero hindi raw ito gagawin ng pangulo.

Sa pagkilala umano ni Panelo sa Presidente ay hindi ito quitter.

Itinanggi rin ng opisyal na nais ng magbitiw sa pwesto ni Duterte dahil hindi maganda ang kalusugan nito.

 

TAGS: Rodrigo Duterte, Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.