International runway ng NAIA, sarado hanggang 5AM ng Aug. 18

 

 

Kuha ni Jan Escosio

UPDATE: Muling pinalawig ang pagsasara ng international runway ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA na naapektuhan ng sumadsad na eroplano ng Xiamen Air.

Sa latest na abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), mananatili ang pagsasara ng runway hanggang 5:00 ng madaling araw ng Sabado (August 18).

Ibig sabihin wala pa ring international flights na makaaalis at makalalapag sa NAIA.

Unang sinabi ng MIAA na hanggang alas 12:00 ng tanghali lang ang closure na kalaunan ay ginawang alas 4:00 ng hapon at 7:00 ng gabi.

Sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal, nag-arkila pa ng boom crane na gagamitin para maiangat ang eroplano.

Ang mga bagahe naman na nasa eroplano ay naibaba na at ipinamahagi na sa mga pasahero.

Halos lahat naman ng mga apektadong pasahero ay mainit na ang ulo dahil sa naganap na aberya.

 

Read more...