Oil price hike dahilan ng pagdami ng mga Pinoy na nagsabing humirap ang kanilang buhay ayon sa Malakanyang

By Alvin Barcelona August 17, 2018 - 04:18 PM

Isinisi ng Malakanyang sa mataas na presyo ng produktong petrolyo kung bakit dumami ang Pilipino ang nagsasabing mas humirap ang buhay nila sa 2nd quarter ng 2018.

Base kasi sa June 2018 survey ng Social Weather Stations, 32 percent ng mga respondents ay nagsabing gumanda ang kanilang buhay habang 27 percent ang nagsabing lumubha ang buhay nito para sa net gainers score na +5.

Mas mababa ito ng 15 points sa +20 na naitala noong march 2018 at maituturing na pinakamababa mula +3 na naiposte noong April 2016.

Gayunman, kumpiyansa si Roque na bubuti ang kalagayan ng ekonomiya dahil sa nananatili ang fundamentals ng bansa.

Naniniwala din ng kalihim na pansamantala lamang ang nararanasang hamon sa ekonomiya tulad ng pagpalo ng inflation rate sa 5.7 percent nitong hulyo pati na ang mabagal kaysa sa inaasahang growth rate.

Samantala, lumabas din sa survey na nananatiling excellent ang optimism ng mga Pinoy dahil 49 percent sa mga respondent ay naniniwalang gaganda ang buhay sa susunod na 12 buwan habang 5 percent ang naniniwalang lalo pang lala ang buhay nila.

TAGS: oil price hike, Radyo Inquirer, sws survey, oil price hike, Radyo Inquirer, sws survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.