First 1,000 Days Bill aprubado na sa bicameral conference committee

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 17, 2018 - 04:14 PM

Inaprubahan na ng bicameral conference committee ang panukalang batas na naglalayong magbigay ng suporta ang gobyerno sa mga bata para sa unang 1,000 araw nila mula na maisilang.

Ang first 1,000 days ng bata ay itinuturing na crucial stage ng kanilang development kaya mahalagang matutukan ang kanilang nutrisyon.

Ayon kay Senator Grace Poe, sa ilalim ng ng Senate Bill 1537 at House Bill 5777, maglalaan ng nutritional intervention ang gobyerno para sa unang 1,000 araw ng bata.

Matapos maipasa sa bicam committee, ang First 1,000 Days Bill ay dadaan sa ratipikasyon ng dalawang kapulungan bago ipasa sa Malakanyang para sa pag-apruba ng pangulo.

 

TAGS: bill, First 1000 Days, Health, House of Representatives, Senate, bill, First 1000 Days, Health, House of Representatives, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.