Pagkamatay ni Kian delos Santos, bigyang-katarungan – CHR

By Isa Avendaño-Umali August 17, 2018 - 03:06 PM

Kinalampag ng Commission on Human Rights o CHR ang pamahalaan na bigyang-hustisya ang pagkamatay ni Kian delos Santos sa kamay ng mga pulis, at iba pang menor de edad na biktima ng Oplan Tokhang ng administrasyong Duterte.

Sa isang statement ng CHR na inilabas para sa unang death anniversary ni Kian, sinabi ng komisyon na lumabas sa kanilang imbestigasyon na noong August 16, 2017 ay nagmakaawa pa si Kian sa mga pulis dahil may exam siya kinabukasan.

Subalit sa halip na pakawalan ay binaril si Kian ng mga pulis, na dapat sana’y nagbibigay proteksyon sa kanya.

Ayon sa CHR, mayroon nang criminal at administrative cases na naisampa laban sa tatlong pulis na sangkot sa pagkamatay ni Kian pero ang nakakalungkot umano ay bigong mapanagot ang mga ito at na-promote pa.

Binigyang-diin ng komisyon na dapat isapuso ng estado ang “moral and legal responsibility” nito upang maprotektahan ang mga kabataan.

Umapela naman ang CHR sa Philippine National Police o PNP na papanagutin ang mga pulis na dawit sa anumang drug-related cases sa bansa.

Ang publiko, ayon sa CHR, ay dapat huwag manahimik sa patuloy na culture of impunity sa bansa.

TAGS: CHR, kian delos santos, Radyo Inquirer, CHR, kian delos santos, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.