LOOK: Klase sa lahat ng antas sa QC sa Lunes, Aug. 20 suspendido

By Donabelle Dominguez-Cargullo, Isa Avendaño-Umali August 17, 2018 - 12:47 PM

Sinuspinde ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang klase sa lahat ng antas, public at private sa lungsod sa Lunes, Aug. 20, 2018.

Sa inilabas na memorandum na pirmado ni Bautista, ang suspensyon ay para mabigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na makiisa sa paggunita sa Birth Anniversary ni dating Pang. Manuel Luis Quezon.

Mayroon kasing localized ceremonies at mga aktibidad na gagawin sa lungsod sa nasabing petsa.

Ipinaubaya naman na ng alkalde sa pamunuan ng mga paaralan ang pagpapasya kung kakailanganin ng remedial classes o dagdag na academic work para mapunan ang suspensyon.

Magugunitang pagkatapos manalasa ng Habagat ay nagsuspinde rin ng klase sa halos buong Metro Manila.

Habang sa Martes, August 21 ay deklarado namang holiday para sa Eid’l Adha at Ninoy Aquino Day.

TAGS: Birth Anniversary, class suspension, Manuel Quezon, quezon city, walang pasok, Birth Anniversary, class suspension, Manuel Quezon, quezon city, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.