2 robbery suspects patay sa engkwentro sa Olongapo City

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 17, 2018 - 12:23 PM

Police banner

Patay ang dalawang robbery suspects makaraang maka-engwentro ang mga pulis sa Olongapo City, Biyernes (Aug. 17 ng umaga).

Ayon kay Senior Inspector Jerry Abaigar, hepe ng station 5 ng Olongapo City police, ang motorcycle-riding na mga suspek ay nambiktima ng isang lalaki sa bahagi ng Brgy. Sta. Rita.

Ayon sa reklamo ng biktima, tinangay ng dalawa ang kaniyang motorsiklo alas 4:20 ng madaling araw.

Agad namang nagkasa ng follow up operation ang mga pulis at nang makita ang mga suspek ay tumakas ang mga ito kaya nauwi sa habulan at engkwentro ang operasyon.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawing suspek.

Habang nakatakas naman ang isa pa nilang kasamahan.

TAGS: Olongapo City, Radyo Inquirer, robbery suspects, Olongapo City, Radyo Inquirer, robbery suspects

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.