Suplay ng tubig ng Maynilad balik na sa normal

Sinusipnde na ng Maynilad ang ipatutupad sana nitong rotational water service interruption sa kanilang mga customer ngayong araw.

Ito ay makaraang lumaba na ang turbidity o paglabo ng raw water na nanggagaling sa Ipo Dam.

Sinabi ng Maynilad na balik na sa normal ang kanilang water production bagaman magiging mahina pa rin ang suplay sa ilang mga lugar.

Pinayuhan ng Maynilad ang kanilang customers na hayaan munang dumaloy ang tubig sa kanilang gripo hanggang sa luminaw ito.

Inabisuhan din ang mga residente na mag-ipon ng tubig dahil maaring muling makaranas ng paglabo ng tubig sa Ipo Dam kapag nagtuluy-tuloy na naman ang pag-ulan.

Read more...