Passport applicants na naapektuhan ng Habagat, ia-accommodate ng DFA sa ibang petsa

Binigyang konsiderasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga passport applicants na hindi nakasipot sa kanilang appointment noong August 11 at 13 dahil apektado sila ng Habagat.

Sa abiso ng DFA, ang mga mayroong kumpirmadong appointment noong August 11 at 13 ay ia-accommodate ng DFA hanggang sa August 31, maliban lamang sa mga araw na deklaradong holiday.

Ayon sa DFA, maari silang magtungo sa original site ng kanilang appointment at kailangan nilang sundin ang orihinal na oras ng appointment.

Pinayuhan din ng DFA ang mga aplikante na huwag kalimutang dalhin ang printout na kopya ng appointment na nagsasaad na August 11 at August 13 ang kanilang appointment date.

Gayundin ang mga requirement para sa passport applicationa t renewal.

Read more...