Gobernador at mayor sa China sinibak dahil sa anomalya sa vaccination program

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 17, 2018 - 10:06 AM

AP PHOTO

Sinibak sa pwesto ang provincial deputy governor at mayor ng isang major city sa China makaraang mapatunayan na nagkasala sila sa pagpapatupad ng proyekto para sa pagbabakuna.

Matapos ang pulong ng Communist Party sa pamumuno ni President Xi Jinping, apat ang napagpasyang sibakin sa pwesto kabilang ang deputy governor ng Jilin province at mayor ng Changchun City.

Batay sa impormasyon, noong July, natuklasang gumawa ng mga pekeng production records ang Changchun Changsheng Life Sciences Ltd. para sa anti-rabies vaccine.

Sa ginawang imbestigasyon, lumitaw din na may hinahalong expired fluid sa mga bakuna mula pa noong April 2014.

Sinibak ang deputy governor sa Jilin dahil naroon ang headquarters ng Changsheng Life Sciences, nasibak din ang deputy chairman ng government advisory body na nagsilbing deputy governor mula 2015 hanggang 2017, gayundin ang mayor Changchun City na kinaroroonan ng drug company.

Kasama din sa pinatawan ng parusa ang party secretary at deputy director ng national drug regulator.

Habang ang CEO ng Changsheng Life Sciences at 14 na iba pa ay nauna nang nabilanggo.

Sa ngayon wala pa namang napaulat na nagkasakit o nasawi dahil sa bakuna pero sinuspinde na ng pamahalaan ang paggawa nito at pamamahagi ng produkto.

Binawi na rin ang mga produktong nauna nang naipakalat sa merkado.

 

TAGS: anti rabies vaccine, China, anti rabies vaccine, China

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.