3 patay, 7 sugatan sa banggaan ng van at jeep sa Quezon

By Erwin Aguilon August 17, 2018 - 09:34 AM

Photo from BFP Atimonan

(UPDATE) Tatlo ang patay habang hindi bababa sa pito ang sugatan sa aksidente na naganap sa Atimonan Quezon, Huwebes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection ng Atimonan, alas 11:50 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Atimonan hinggil sa naganap na aksidente sa Barangay Balubad.

Sangkot sa aksidente ang isang Nissan Urvan at isang jeep.

Ayon sa BFP, nang dumating sila sa lugar, nadatnan nila ang dalawang pasahero ng van na nakaipit sa dashboard ng sasakyan, habang ang iba pang mga sugatan ay agad na nilapatan ng first aid at dinala sa ospital.

Dead on the spot ang driver ng van na si Luisito Sarte, habang nasawi naman ang dalawang pasahero na sina Segundina Llamado at Menilla Llovido

Pawang sugatan naman ang iba pang pasahero ng van na sina Liza Llamado, Celebrada Montayas, Jocelyn Bengua, Salvacion Pasagi, Cara Alcibor, Victoria De los Santos, at ang driver ng jeep na si Edwin Martinez.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Atimonan police sa insidente.

TAGS: accident, Atimonan QUezon, accident, Atimonan QUezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.