Closure sa runway ng NAIA maaring tumagal hanggang 4PM
Sa halip na hanggang alas dose lamang ng tanghali maaring tumagal ng hanggang alas 4:00 ng hapon ang closure sa runway ng Ninoy Aquino International Airport.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, nahihirapang alisin sa runway ang sumadsad na eroplano ng Xiamen Airlines dahil sa sama ng panahon.
Kinakailangan aniyang maiangat ang eroplano.
Sa ngayon, patuloy ang effort para maialis sa runway ang eroplano at hanggang sa ito ay nakabara sa runway, walang makakaalis at makakalapag na international flight sa NAIA.
Ani Monreal sa inisyal na impormasyon, dalawang beses na sumubok lumpag ang eroplano pasado alas 11:00 ng gabi.
Sa unang beses ay hindi ito tumuloy at sa ikalawang beses naman ay doon na nangyari ang pagsadsad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.