Butanding natagpuan sa Navotas fish port

Isang butanding ang natagpuang patay sa Manila Bay sakop ng Lungsod ng Navotas.

Ayon sa mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR natagpuan ito ng mga residente malapit sa Navotas Fish Port at dinala na lamang sa pampang.

Tinatayang nasa dalawa hanggang tonelada ang butanding na may walang talampakan ang haba.

Posible anilang napadpad ang butanding sa lugar noong kasagsagan ng habagat.

Inaantay pa naman ng mga tauhan ng BFAR na dumating sa lugar ang atas ng kanilang regional office para mabatid kung ano ang gagawin sa natagpuang patay na butanding.

 

Read more...