Residential units sa Tondo Maynila tinupok ng apoy

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 17, 2018 - 06:59 AM

PRC Photo

Tinupok ng apoy ang ilang mga bahay sa Tondo Maynila, Biyernes ng madaling araw.

Nagsimula ang sunog pasado ala 1:00 ng madaling araw at iniakyat sa 2nd alarm makalipas lang ang ilang minuto.

Naganap ang sunog sa San Antonio Street, Recto, Tondo Maynila.

Ayon sa Philippine Red Cross agad nag-dispatch ng fire truck at ambulansya mula sakanilang National Headquarters sa Port Area para tumulong sa pag-apula ng apoy at sa mga naapektuhang residente.

Alas 2:46 ng madaling araw nang ideklarang fire out na ang sunog.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at halaga ng mga natupokn na ari-arian.

TAGS: fire, manila, Tondo, fire, manila, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.