Sarado ang runway ng Ninoy Aquino International Airport dahil sa eroplano ng Xiamen Airlines na sumadsad at bumara sa runway.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), naganap ang pagsadsad ng Xiamen Air Flight MF 8667 sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.
Agad namang nailabas ang 157 na mga pasahero nito, dinala sa NAIA Terminal 1 at pinagkalooban ng pagkain at kumot.
Agad din silang dinala ng mga staff ng Xiamen Air sa pinakamalapit na hotel para doon muna magpahinga habang hinihintay na muling mag-resume ang biyahe ng eroplano.
Nakipag-ugnayan na rin sina MIAA General Manager Ed Monreal at CAAP Director General Jim Sydiongco sa mga opisyal ng airline habang isinagasagawa ang clearing operations sa runway.
Dahil sa insidente, ang international runway ng NAIA na 06/24 ay mananatiling sarado hanggang alas 12:00 ng tanghali at apektado ang mga international flights.
Pinayuhan ang lahat ng pasahero na may biyahe ngayong araw na tumawag muna sa mga airline company o sa NAIA terminals bago magtungo sa airport.
Narito ang listahan ng mga numbero ng airport terminals na maaring tawagan:
Terminal 1 (8771109 loc 765 and 2852)
Terminal 2 (8771109 loc 2882 and 2880)
Terminal 4 (8771109 loc 4226)
Terminal 3 (8777888 loc 8144 and 8146)