20 nawawala pa rin sa guho ng Genoa Bridge

By Justinne Punsalang August 17, 2018 - 02:14 AM

AP

Bukod sa 39 na kumpirmadong nasawi ay mayroon pang 20 iba na nawawala hanggang sa ngayon matapos gumuho ang isang tulay sa Italy.

Ayon kay Chief Prosecutor Francesco Cozzi, patuloy ang paghahanap ng search and rescue teams sa guho ng Genoa Bridge.

Ayon naman kay Interior Minister Matteo Salvino, nahihirapan silang matiyak ang eksaktong bilang ng mga nawawala.

Ngunit umaasa ang mga rescue workers na bagaman tatlong araw na ang nakalipas ay mayroon pa rin silang mahahanap na mga buhay sa ilalim ng guho ng bumigay na tulay.

Ayon sa mga otoridad, magpapatuloy ang kanilang paghahanap sa guho hangga’t sa hindi pa nahahanap ang lahat ng nawawala.

Sa ngayon ay nakataas na ang 12 buwang state of emergency sa Genoa at nakatakda silang magsagawa bukas, araw ng Sabado, August 18 ng state funeral para sa lahat ng mga nasawi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.