Mga mag-aaral ng UP Baguio nagtulos ng kandila para kay Kian Delos Santos

By Justinne Punsalang August 17, 2018 - 01:28 AM

Nakiisa ang mga mag-aaral ng University of the Philippines (UP) Diliman sa pag-alala sa pagkamatay ni Kian Delos Santps sa pamamagitan ng isang candle-lighting ceremony kagabi.

Bandang alas-6 ng gabi nang maglatag sa campus lobby ang mga UP students ng isang poster kung saan nakasulat ang mga katagang “End State Facism.”

Hawak naman ng iba pang mga mag-aaral ang placard na mayroong mensageng “value human rights, value human lives.”

Ayon sa mga ito, lumala ang extrajudicial killings sa bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay umano sa datos, 20 ang napapatay kada araw dahil sa kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng nationwide indignation rally na isinagawa kahapon para sa isang taong anibersaryo ng pagkamatay ni Delos Santos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.