Election period sa Marawi City, simula na ngayong araw

INQUIRER FILE

Ngayong araw ng Biyernes na ang simula ng election period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Marawi City.

Matatandaang itinakda ang halalan para sa lungsod sa September 22 matapos itong ipagpaliban dahil sa isinasagawang rehabilitasyon bunga ng giyera sa pagitan ng gobyerno at ISIS-inspired Maute terror group.

Sa Resolution No. 10412 ng Commission on Elections, itinakda ang election period mula ngayong araw, August 17 hanggang September 29.

Dahil dito ipinatutupad na ang gun ban at tatagal sa loob ng anim na linggo.

Iginiit din ng Comelec na bawal ang ang paggamit ng security personnel o bodyguard ng mga kandidato, maliban kung pinayagan ng Comelec; pananakot, pamumwersa sa sinumang opisyal at kandidato habang isinasagawa ang mga trabahong may kinalaman sa eleksyon ;at pagbago sa lugar ng election precinct o paggawa ng bagong precinct.

Nauna nang isinagawa ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa buong bansa noong May 14.

Read more...