VP Robredo tanging pwedeng pumalit kay Pangulong Duterte kung ito ay magbibitiw — Acting CJ Carpio

Tanging si Vice President Leni Robredo lamang ang pwedeng humalili kay Pangulong Rodrigo Duterte sakaling magdesisyon itong magbitiw sa kanyang pwesto.

Ito ang naging tugon ni Acting Chief Justice Antonio Carpio sa naging pahayag ni Pangulong Duterte na bababa siya pagkapresidente kung si Senador Chiz Escudero o dating Senador Bongbong Marcos lamang ang papalit sa kanya.

Sa sidelines ng induction ng mga bagong ipisyal ng UP Women Lawyers Circle, Inc. ay ipinaliwanag ni Carpio na malinaw sa Saligang Batas na ang bise presidente ang automatic successor ng pangulo ng bansa kung ito ay magbibitiw sa pwesto.

Dagdag pa nito, bilang isang mahistrado ng Supreme Court, nangako ito na pananatilihin ang Konstitusyon sa lahat ng oras.

Samantala, sinabi naman ni retired Ombudsman Conchita Carpio-Morales na naroon din sa event, na unconstitutional ang naging pahayag ng pangulo.

Read more...