Babae patay sa pamamaril sa Maynila

Dead on the spot ang isang babae matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay 651 sa Port Area, Maynila.

Kinilala ang nasawing biktima na si Maura Ramos, 51 taong gulang at residente ng Marikina City.

Batay sa paunang impormasyon ng Manila Police District (MPD) Station 5 sa Ermita, naganap ang krimen sa kanto ng Delgado at 16th Street.

Nabatid na isang kalibre 45 baril ang gamit ng salarin sa pagpatay kay Ramos.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang basyo ng bala na ginamit ng suspek.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pamamaril, partikular ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa pamamaslang.

Read more...