Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Isabela, Huwebes ng gabi.
Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa bayan ng Divilacan bandang 9:48 ng gabi.
May lalim ang lindol na 56 kilometers at tectonic ang pinagmulan.
Gayunman, walang napaulat na nasirang ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks bunsod nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.