WATCH: Pagharang sa TRAIN 2, ikinukunsidera ni Gatchalian

By Jan Escosio August 16, 2018 - 09:55 PM

Inquirer file photo

Tinaningan na ni Senador Win Gatchalian hanggang sa katapusan ng taon na bumaba ang inflation rate.

Sinabi ni Gatchalian na kapag hindi bumaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin magpapasa sila ng batas para masuspinde ang tax reform package ng gobyerno sa susunod na taon.

Sa pagdinig ng Committee on Economic Affairs na pinamumunuan ni Gatchalian, natalakay ang epekto ng TRAIN law sa mga bilihin at sa mamamayan.

Sinabi ni Gatchalian na nadismaya siya nang iulat sa komite na hindi pa ganap na naibibigay sa masa ang mga tulong para maibsan ang epekto ng pagtaas ng mga buwis.

Sinabi naman ni Senador Bam Aquino na kung walang gagawing konkretong aksyon ang gobyerno sa susunod na taon mas lalong maghihirap ang mga mahihirap.

Matabang din si Aquino sa ilang suhestiyon gaya nang pagbaba sa taripa ng mga imported na isda at karne dahil ang tatamaan nito ay ang mga lokal na mangingisda at magsasaka.

Narito ang buong ulat ni Jan Escosio:

TAGS: inflation rate, Senador Bam Aquino, Senador Win Gatchalian, TRAIN 2, inflation rate, Senador Bam Aquino, Senador Win Gatchalian, TRAIN 2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.