Mga residente sa Turkey, inalerto sa inaasahang pagtama ng mag. 7.5 na lindol
Inalarma ang publiko ng emergency management agency ng Turkey na posibleng mahigit 30,000 katao ang mamatay oras tumama ang magnitude 7.5 na lindol sa Istanbul.
Ayon kay Disaster and Emergency Management Presidency director Murat Nurlu, umabot sa mahigit-kumulang 17,000 katao ang namatay matapos yanigin ng magnitude 7.4 na lindol ang northwestern Turkey noong August 17, 1999.
Aniya pa, maaaring umakyat sa 50,000 ang kritikal na masugatan at 44,802 na establisimiyento ang gumuho.
Dahil dito, aabot sa 2.4 milyong tao ang mawawalan ng tirahan.
Tiniyak naman nito na nagsimula na ang national at municipal agencies sa paghahanda sa inaabangang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.