Kaunting pondo ng CHED sa libreng matrikula, kinuwestyon ng COA

By Len Montaño August 16, 2018 - 09:07 PM

Nasa P1.4 bilyon lang ng P8 bilyon na pondo para sa libreng matrikula sa mga state universities at colleges (SUCs) ang ginamit ng Commission on Higher Education (CHED) noong 2017.

Ayon sa Commission on Audit (COA), dapat pag-aralan muli ng CHED ang mga polisiya sa processing ng claims at billings gayundin ang mga aplikasyon sa scholarships at research funding.

Layon ng utos ng COA na matugunan ang delayed submission ng mga requirement ng beneficiaries ng mga programa ng CHED na nagresulta sa mas mababang gastos o disbursement ng pondo na nakalaan sa ahensya.

Ang 18.11% fund utilization rate para sa Higher Education Support Program ang nakita ng mga auditor na dahilan ng matagal na pagsumite ng billing para sa sabsidiya kapalit ng libreng matrikula.

Lumabas sa COA report na hindi lahat ng SUCs ang nakapagsumite ng mga personal na impormasyon ng mga student-beneficiaries.

TAGS: CHED, COA, fund utilization rate, matrikula, CHED, COA, fund utilization rate, matrikula

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.