Baril at mga bala, nasabat sa bagahe sa NAIA

Inquirer file photo

Hinarang ng security officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang 43 anyos na lalaki sa Terminal 3 dahil sa umano’y dala nitong baril at mga bala.

Ayon sa Office for Transportation Security (OTS), itinurn-over na nila sa Philippine National Police Aviation Office si Teodoro Manievo matapos makuha sa kanyang bagahe ang .22 caliber Magnum revolver na may lamang anim na live ammunition at apat na basyo ng bala ng parehong kalibre ng baril.

Na-detect ng Security Screening officer ang imahe ng isang baril sa loob ng itim na sling bag ni Manievo habang nagsasagawa ng security screening sa Gate 6 ng Departure Entrance sa NAIA Terminal 3.

Dahil dito ay nagsagawa ang baggage inspector ng mano-manong inspeksyon para suriin ang kwestyunableng gamit.

Lalong nagduda ang mga otoridad ng madiskubre nila na hindi pasahero sa anumang flight si Manievo.

Matapos ang imbestigasyon ay ibinigay na ang suspek sa kustodiya ng pulisya.

Read more...