Koko Pimentel, humingi ng tulong kay Duterte sa pagpili ng ilalaban sa 2019 elections

By Jan Escosio August 16, 2018 - 08:22 PM

Nagpasaklolo na kay Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Koko Pimentel sa pagpili ng isasabak ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP Laban) sa 2019 senatorial elections.

Sumulat na si Pimentel na siya ring presidente ng ruling party sa Pangulo para mapag-usapan na nila ang pagpili sa 19 na pangalan na maari nilang ilaban sa halalan sa susunod na taon.

Kabilang dito si Pimentel mismo, si Sec. Bong Go, Sec. Francis Tolentino, Rep. Karlo Nograles, Rep. Dong Mangudadatu, Rep. Geraldine Roman, Rep. Monsour del Rosario, Ka Freddie Aguilar, Jiggy Manicad, Rep. Albee Benitez at Rep Dax Cua.

Binanggit din ni Pimentel sa kanyang sulat ang mga tinawag niyang ‘friends of the party’ na sina Davao City Mayor Sara Duterte, dating PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa, Robin Padilla, dating Sen. Lito Lapid, dating Sec. Raffy Alunan, Mon Tulfo, Sec. Harry Roque at Rep. Pia Cayetano.

Nabanggit din sa sulat ang mga reelectionist senators na sina Cynthia Villar, JV Ejercito, Nancy Binay, Sonny Angara at Grace Poe.

Ang limang senador, ayon kay Pimentel, ay mga miyembro ng majority coalition sa Senado.

Nakiusap din si Pimentel sa pangulo na kung maari ay sa pinakamaagang panahon na nila mapag-usapan ang listahan gayundin ang iba pang isyu sa kanilang partido.

Iginiit pa nito na bilang pinuno ng kanilang partido, si uterte ang mag-aapruba ng kanilang ilalaban sa halalan.

TAGS: 2019 Senatorial Elections, PDP Laban, Rodrigo Duterte, Senator Koko Pimentel, 2019 Senatorial Elections, PDP Laban, Rodrigo Duterte, Senator Koko Pimentel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.