Paliwanag ni Presidential spokesman Harry Roque, maganda ang hangarin ng MMDA na solusyonan ang problema sa Metro Manila.
Katunayan, ginaya ng MMDA ang Amerika na dumaan sa express lane kapag mayroong minimum na dalawang pasahero.
Sa pamamagitan aniya ng carpooling, makatitipid ang publiko sa gasolina at mababawasan ang volume ng sasakyan sa kalsada.
Sinabi pa ni Roque na hindi naman nagreklamo ang mga Amerikano na diskriminasyon ang ginawang programa.
Bukod dito, sinabi ni Roque na hindi rin naging ugali ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mag-micro manage at hinahayaan ang mga miyembro ng gabinete na magpatupad ng kani-kanilang programa.