Pagbabawal sa ‘single’ ng MMDA sa EDSA, pinagbibigyan ng tsansa ng Palasyo

By Chona Yu August 16, 2018 - 06:39 PM

Humihirit ang Palasyo ng Malakanyang sa mga kritiko na bigyan muna ng tsansa ang bagong programa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagbabawal sa mga motoristang ‘single’ o mag-isang bumibiyahe sa sasakyan na dumaan sa EDSA.

Paliwanag ni Presidential spokesman Harry Roque, maganda ang hangarin ng MMDA na solusyonan ang problema sa Metro Manila.

Katunayan, ginaya ng MMDA ang Amerika na dumaan sa express lane kapag mayroong minimum na dalawang pasahero.

Sa pamamagitan aniya ng carpooling, makatitipid ang publiko sa gasolina at mababawasan ang volume ng sasakyan sa kalsada.

Sinabi pa ni Roque na hindi naman nagreklamo ang mga Amerikano na diskriminasyon ang ginawang programa.

Bukod dito, sinabi ni Roque na hindi rin naging ugali ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mag-micro manage at hinahayaan ang mga miyembro ng gabinete na magpatupad ng kani-kanilang programa.

TAGS: HOV traffic scheme, mmda, Palasyo ng Malakanyang, Presidential spokesman Harry Roque, HOV traffic scheme, mmda, Palasyo ng Malakanyang, Presidential spokesman Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.