De Castro itinangging may ari-arian sa Laguna, Maynila at Baguio

By Angellic Jordan August 16, 2018 - 05:39 PM

Itinanggi ni Supreme Court Associate Justice Teresita Leonardo De Castro na mayroong siyang ari-arian sa Laguna, Maynila at Baguio na hindi kabilang sa kaniyang statement of assets, liabilities and networth (SALN).

Sa isinagawang public panel interview ng mga miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC), tinanong si De Castro ni retired Judge Toribio Ilao kaugnay sa mga ari-ariang nakarehistro sa ilalim ng mga pangalang “Teresita Leonardo-De Castro” at “Teresita De Castro.”

Ayon kay Ilao, kasama rito ang apat na ari-arian sa Maynila, lima sa Calamba, Laguna at dalawa sa Baguio.

Sagot naman ni De Castro, wala siyang ari-arian sa mga nabanggit na lugar.

Aniya, ang tanging ari-arian niya lang ay nasa Parañaque at sa Katarungan Village sa Muntinlupa.

Ang Katarungan Village ay isang housing project para sa mga empleyado ng Department of Justice (DOJ).

Paliwanag ni De Castro, nakuha niya ito matapos magtrabaho bilang state counsel ng naturang kagawaran.

Ang naturang interview ay para sa magiging susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema.

TAGS: JBC, SALN, Supreme Court Associate Justice Teresita Leonardo De Castro, JBC, SALN, Supreme Court Associate Justice Teresita Leonardo De Castro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.