Pahayag ito ng Palasyo matapos ibunyag ni Senador Panfilo Lacson na may taglay na bilyong pisong pork barrel sa 2019.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang ayaw sa pork barrel funds.
Tiniyak pa ni Roque na hindi kukunsitihin ng pangulo ang pagmamalabis o pag-abuso sa pondo ng gobyerno.
Sinabi ni Roque na matagal nang mambabatas si Lacson at alam nito ang kaniyang sinasabi.
Sa katunayan, sinabi ni Roque na kumpara kay Lacson, napaka-ikli lang ang panahon niyang nagsilbing kongresista kaya mas maalam aniya ang senador sa usapin ng pork barrel.
MOST READ
LATEST STORIES