Libu-libong sako ng asukal, naharang ng BOC

By Ricky Brozas August 16, 2018 - 04:17 PM

Inquirer file photo

Lulan ng 10 container vans ang 5,000 sako ng asukal na nagkakahalaga ng P15 milyon na naharang ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP).

yon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, naka-consign sa Don Trading ang kontrabando na unang idinerklarang refractory mortar na inilalagay sa pagitan ng mga ginagawang semento.

Ayon sa mga opisyal ng MICP, ang refractory mortar ay kahawig ng semento na ginagamit sa paggawa ng brick o kaya ay stone fireplaces na kung titingnan ay kamukha ng asukal.

Sa record ng MICP, ang kargamento ay mula sa Thailand na dumating sa bansa noong Hulyo 13.

Ang signing broker ay nagngangalang Ameloden Buruan Riga ng Quiapo, Manila at ang kumpanya ay Don Trading na pag-aari ng isang Dennis Orlanda Narra ng Unit 411 4F La Maja Building, 459 Legaspi Street, Intramuros, Maynila.

Tiniyak ni Lapeña na ang may-ari at ang customs broke ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 partikular ang Section 3 ng batas na nagtatakda na economic sabotage ang pagpupuslit ng asukal.

TAGS: asukal, BOC, Don Trading, isidro lapena, MICP, asukal, BOC, Don Trading, isidro lapena, MICP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.