1 sundalo, 1 rebelde patay sa engkwentro sa Isabela

By Angellic Jordan August 16, 2018 - 02:52 PM

Patay ang isang sundalo at isang hinihinalang komunistang rebelde sa sumiklab na engkwentro sa Ilagan, Isabala Huwebes ng umaga.

Ayon kay Public Affairs Office 5th Infantry Division officer-in-charge Capt. Noriel Tayaban, naganap ang palitan ng putok sa pagitan ng 95th Infantry Battalion ng Philippine Army at 40 armadong lalaki bandang 5:00 ng madaling-araw.

Sa ngayon, hindi pa nakikilala ang mga nasawi sa engkwentro.

Sumiklab ang engkwentro isang araw matapos aminin ng New People’s Army (NPA) na sila ang responsable sa pag-atake sa mga miyembro ng Task Force Kalikasan na nagbabantay sa checkpoint ng Barangay Sindon Bayado.

Sinabi naman ng militar na tuloy pa rin ang operasyon ng air strike teams at ground reinforcement sa naturang lugar.

TAGS: isabela, NPA, Philippine Army, isabela, NPA, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.