Pagbabawal sa ‘single’ sa EDSA, hindi magtatagumpay – Baguilat

By Erwin Aguilon August 16, 2018 - 02:30 PM

Naniniwala si Ifugao Representative Teddy Baguilat na hindi magtatagumpay ang pagbabawal sa driver-only ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA.

Ayon kay Baguilat, ang ganitong polisiya ng gobyerno ay tulad din ng flexible working hours, carpool lanes, strict bus lanes na hindi naging matagumpay dahil sa malalang sitwasyon ng trapiko kaya ang kailangan ay drastic solution.

Hindi naman pabor ang mambabatas na ipa-recall sa MMDA ang bago nitong polisiya tuwing rush hour.

Sa halip naman aniya na ipa-recall ang driver only policy, ang dapat gawin ng Kongreso ay tutukan ang kanilang oversight at budgetary functions.

Kailangan aniyang hingin sa pamahalaan ang master plan para sa pagsasaayos ng mass transport system at ibigay ang kinakailangng pondo para rito.

TAGS: driver-only sa EDSA, Kongreso, mmda, Rep. Teddy Baguilat, driver-only sa EDSA, Kongreso, mmda, Rep. Teddy Baguilat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.