Duterte, maaring bumaba sa pwesto kapag nanalo si Marcos sa electoral protest

By Chona Yu August 16, 2018 - 02:21 PM

Maaring tuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangako na bumaba sa puwesto kapag nanalo si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang electoral protest laban kay Vice Presdient Leni Robredo.

Ayon kay Presdiential spokesman Harry Roque, pagod at dismayado na pangulo kung kaya nabanggit ng pangulo na gusto na niyang bumaba sa puwesto.

Paliwanag pa ni Roque, naniniwala kasi ang pangulo na si Marcos ang pinaka-kwalipikadong pumalit sa kanyang puwesto at hindi si Robredo.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, kapag bumaba sa puwesto ang pangulo ng bansa, ang vice president ang awtomatikong papalit sa kanyang puwesto.

Sa ngayon, nakabinbin pa ang electoral protest ni Marcos kay Robredo sa Presidential Electoral Tribunal (PET).

Matatandaang tinalo ni Robredo si Marcos sa katatapos na 2016 elections.

TAGS: electoral protest, Ferdinand Marcos Jr., Rodrigo Duterte, Vice Presdient Leni Robredo, electoral protest, Ferdinand Marcos Jr., Rodrigo Duterte, Vice Presdient Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.