Pilipinas tinambakan ang Kazakhstan sa unang laban sa 2018 Asian Games

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 16, 2018 - 12:58 PM

Tinambakan ng Pilipinas ang Kazakhstan para sa unang sabak nito sa Preliminary ng Men’s Basketball sa 2018 Asian Games na ginaganap sa Indonesia.

Tinalo ng Pililipinas ang Kazakhstan sa score 96-59.

Top scorer para sa Pilipinas si Stanley Pringle na nakapagtala ng 18 puntos na sinundan ni Chris Standhardinger 15 puntos.

Nakapagtala din ng malaking puntos si James Yap at si Paul Yee na pagsapit ng 4th quarter ay nagpakawala ng sunud-sunod na three points.

Bago naman matapos ang 3rd quarter ng laro dumating sa basketball hall ang Fil-Am na si Jordan Clarkson at agad dumeretso sa bench ng team ng Pilipinas.

Hindi naman na naglaro si Clarkson at pinanood na lamang ang kaniyang team mates.

Nanood din ng laban ng Pilipinas at Kazakhstan si Yao Ming na opisyal ng basketball team ng China – ang team na susunod na makakalaban ng Pilipinas.

Sa August 21 ang laban ng Pilipinas at China.

TAGS: 2018, Asian Games, Kazakhstan, Men's Basketball, 2018, Asian Games, Kazakhstan, Men's Basketball

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.