Ayon kay Villarin ang hakbang ng MMDA ay naglilimita sa paggamit ng mga mamamayan ng kanyang ari-arian ng walang due process.
Sinabi rin ng mambabatas na talagang malala ang problema sa trapiko sa Metro Manila at hindi lamang ang isyu ng mga sasakyan na driver lamang ang sakay sa EDSA.
Ang dapat anyang gawin ng gobyerno ay bawasan ang mga sasakyan sa Metro Manila sa pamamagitan ng pagpapatupad ng environmental laws tulad ng pagbabawal sa paggamit ng mga sasakyan na mayroong “highly polluted engines.”
Bukod pa rito anya ang paglilinis sa mga secondary roads sa mga sasakyang nakaparada upang magamit itong alternatibong ruta.