Dating kagawad ng barangay arestado sa buy-bust sa Baguio City

Arestado ang isang dating kagawad ng barangay sa Baguio City sa ikinasang anti-drug operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang suspek na si Dick Bravo, 43 anyos ay inaresto matapos mag-positibo sa buy-bust na ikinasa ng mga tauhan ng PDEA malapit sa Veteran’s Park.

Nagbenta si Bravo ng P10,000 halaga ng shabu sa undercover agent ng PDEA.

Ayon sa PDEA, kasama si Bravo sa listahan ng Barangay Jaena Lopez na sangkot sa ilegal na droga.

Read more...