School calendar babaguhin ng DepEd matapos ideklara na regular holiday ang Aug. 21 sa halip na Aug. 22 para sa Eid’l Adha

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 16, 2018 - 10:57 AM

Kakailanganing amyendahan ng Department of Education (DepEd) ang kanilang school calendar para makatugon sa deklarasyon ng Malakanyang na August 21 ang holiday para sa pagtatapos ng Eid’l Adha at hindi August 22.

Sa naunang department order kasi ng DepEd na inilabas nito noong buwan ng Mayo, isinama nito ang August 22 sa listahan ng mga regular holiday.

Ayon kay DepEd Usec. Annalyn Sevilla, dahil sa deklarasyon na inilabas kahapon ng Malakanyang, kailangang i-adjust ang DepEd school calendar.

Magugunitang marami na magkakaroon ng dalawang magkasunod na holiday ngayong Agosto.

Pero sa halip na August 22 ay idineklara na August 21 ang Eid’l Adha kaya nasabay din sa deklarado nang special non-working holiday na Ninoy Aquino Day.

TAGS: deped, school calendar, deped, school calendar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.