LOOK: Listahan ng holidays para sa taong 2019, inilabas na ng Malakanyang
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 555 na naglalatag ng mga deklaradong holiday para sa taong 2019.
Sa inilabas na proklamasyon, mayroong 10 regular holidays at 9 na special non-working holidays sa susunod na taon.
Kabilang sa idineklarang karagdagan na special non-working holiday ang November 2 araw ng Sabado at December 24 araw ng Martes na bisperas ng Pasko.
Kasama na rin sa listahan ang dagdag na special non-working holiday na December 8 bilang kapistahan ng Immaculate Conception of Mary na natapat naman ng araw ng Linggo para sa 2019.
Hindi pa kasama sa bilang ang holiday para sa paggunita ng Eidul Fitr at Eid’l Adha na ang petsa ay dedepende sa Islamic calendar o lunar calendar.
Para sa mga nais magbakasyon, mayroong limang long weekend sa taong 2019 base sa inilabas na listahan ng holidays ng Malakanyang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.